“Masarap maligaw paminsan-minsan.”

Why Rosario never won Best Picture in the recent Metro Manila Film Festival is beyond me. Minsan na nga lang gumawa ng ganitong klaseng pelikula, hindi man lamang binigyan ng kaukulang pansin at karangalan. Isang pelikulang pinag-isipan at hindi lamang iniasa ang kita sa isang sikat na loveteam. Isang pelikulang hindi lamang kinopya ang storyline sa isang bumentang foreign film at binigyan ng slightly different title. AT UTANG NA LOOB TANGINA ISANG PELIKULANG HINDI IPINANGALAN SA ISANG TITLE NG KANTA NA GAGAMITIN DING SOUNDTRACK NG PELIKULANG YUN.
Taun-taon na lang may mga remake at nth part ng kung anu-anong gasgas na na pelikula ang ipinapalabas sa MMFF. Buti pa sa kuwento, magaling tayong mag-recycle. Marami naman tayong pwedeng ikwento na bago, di ko tuloy alam kung sadyang bobo o tamad lang *ahem* sila or the ever gasgas reason na, “Ito ang gusto ng masa.” Tangina yung masa, wala silang perang pampanood ng sine kapag di sila nakapalimos / nakapang-hold-up / nakapang-snatch / nakapang-dukot so pwede tigilan na yung “Para Sa Masa” reason na yan?
Kaya saludo ako sa’yo Sir MVP, sa’yo Albert Martinez, sa’yo Jennylyn Mercado, sa’yo Yul Servo, at lalung-lalo na sa’yo Sid Lucero. (Bakit ang pogi pogi mo?) Sana ay masundan pa ang Rosario (in an abstract sense ha, wag na Rosario Part 2.)
Meron lamang akong apat na bagay na hindi nagustuhan sa Rosario:
1. Ara Mina. Kinailangan pa ba talaga yung cameo niya?
2. Smoking. Sana po ay hindi masyadong naging Hit-Bugs si Jennylyn. At ganun na ba talaga yung yosi nila noon?
3. American Flag. Parang maling flag yun, hello PD.
4. Dennis Trillo’s *look.* Kung todo effort si Yul Servo at si Sid *giggles* Lucero sa pagmumukhang luma ay siya namang ka-deadma-han ni Dennis to blending in with the wonderful PD. Ka-pogi-an niya lang daw ang kailangan niya, kebs na na effort-an ang hair at facial hair at pomada.
At maraming maraming bagay naman akong nagustuhan sa Rosario, oo pati na yung napakagandang pag-iilaw sa mga eksena na di mo na mawari kung saan galing yung ilaw pero sige keri lang ang ganda naman eh. Nagustuhan ko rin ang subtlety at complexity ng pag-arte ni Yul Servo at ni Sid Lucero, lalung-lalo na si Sid Lucero kasi ang pogi talaga niya. Pero seryoso, oo, tuwang-tuwa ako sa kung paano naipakita sa arte lamang ang kaibahan sa kanilang pagmamahal / paglilibog over Rosario. Walang irrele dialogue na, “Iba ang pagmamahal ko sa’yo, hindi lang carnal lust, my intentions are pure.” (Or to that effect, sinundan ang prinsipyo na Show, Don’t Tell.)
Kaya kapatid, kung di mo pa napapanood ang Rosario, isipin mo na lang isa ito sa mga bihirang pagkakataon na hindi recycled na basurang storyline ang ibibigay sa’yo kaya huwag mo nang palampasin.
P.S. Ang dami kong feelings, sorry. Tangina kasi. (On a positive feeling note, naintindihan ko na fully kung bakit nalaglag ang pridyeder ni coffee buddy Ella over Sid Lucero.)

P.P.S. Napanood ko rin ang Si Agimat at si Enteng Kabisote. Salamat Vic Sotto sa pakikipag-tie-up kay Bong Revilla upang mabawasan ng isang semi-maayos entry sa MMFF. Okay na Ang Panday last year eh with Bong Revilla alone but no you had to make sawsaw ang masa-fy things. Tengks ha.
P.P.P.S. (Last na ‘to) Tanginang Tanging Ina. Good job Ai-Ai na bestfriend ni Kris na kapatid ni P-Noy na boss ni Edwin Lacierda na chairman ng board of judges sa MMFF. Congrats!
Other Thoughts by People I Know:
Franz’s The Cost Of Landi